COMELEC, nakapagtala ng mas maraming kabataang botante na lalahok sa eleksyon 2022

Nakapagtala ang Commission on Elections (COMELEC) ng mas maraming batang botante na lalahok sa May 2022 Elections.

Ayon sa datos ng COMELEC, nasa 56% ng mga botante ay mula sa age category na 24 hanggang 41 years old o millennials at edad 18 hanggang 25 years old o Gen Z.

Sa nasabing bilang, nasa 23.9 million ay mga millennial habang 13 million naman ang nasa Gen Z at 16.7 million ang Gen X o mula sa hanay ng edad 42 hanggang 57.


Pinakamababa naman ang mga baby boomer, silent generation, at greatest generation na nasa 11.9 million.

Nabatid na ang pagtaas sa bilang ay dahil sa mga first-time voters na nasa 7 milyon.

Facebook Comments