Jericho Rosales, nominado sa NewFilmmakers Los Angeles awards

46

Nominado bilang best actor si Jericho Rosales sa 10th annual NewFilmmakers Los Angeles (NFMLA) 2022 para sa kanyang pagganap sa maikling pelikulang “Basurero.”

Ito ang ibinahagi ni Jericho sa kaniyang Instagram kung saan nag-post siya ng outtake mula sa “Basurero” sa direksyon ni Eileen Cabiling.

Maliban kay Echo, nominado rin ang “Basurero” para sa best international drama.


Ang “Basurero” ay kwento ng isang mangingisdang nagtatrabaho sa isang urban fishing village pero dahil kulang kaniyang kinikita, pumasok ito sa ilegal na trabaho.

Facebook Comments