Foreign tourist na dumating sa bansa, umabot na sa higit 200,000

30

Umabot na sa 200,000 na foreign tourist ang naitalang dumating sa bansa mula nang buksan sa international travelers noong Abril 1.

Ayon kay Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat, sa kasalukuyan ay nasa 202,700 na mga turista ang bumisita sa bansa.

Pinakamarami rito ay mula sa USA na sinundan ng Canada, United Kingdom, South Korea at Australia.


Dagdad ni Puyat, nagpatupad din ang bansa ng pinakamaluwag na travel restrictions alinsunod pa rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa ilalim nito ay dapat na sumailalim ang mga turista sa rapid antigen test bilang entry requirement na ginawa sa healthcare facility, laboratory, clinic, o pharmacy ng bansa.

Samantala, kinikilala na rin ng bansa ang national COVID-19 vaccination certificates ng mga bansang Mexico, Pakistan, Slovakia Republic, at Bangladesh.



Facebook Comments