COMELEC, nakikipag-ugnayan na sa AFP at PNP bilang paghahanda sa halalan sa susunod na taon

Kinumpirma ng Commission on Election o COMELEC na nakikipag-ugnayan na sila sa Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police (PNP).

Layon nito na mapaghandaan nang maaga at mahadlangan ang posibleng mga karahasan sa halalan sa susunod na taon.

Iginiit ng COMELEC na ang poll body ay may otoridad para magpatupad ng mga hakbangin sakaling may mga magtangkang manggulo sa halalan sa susunod na taon.


Kabilang na dito ang pagsasailalim sa COMELEC control sa mga lugar na may kaguluhan kaugnay sa eleksyon.

Una nang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng mapayapang pagdaraos ng halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments