Nakikipag-ugnayan na ang COMELEC sa mga E-wallet tulad ng GCash para ma-monitor ang mga kaduda-dudang transaksyon sa halalan.
Partikular ang posibleng bilihan o bentahan ng mga boto sa eleksyon sa susunod na taon.
Kabilang sa binabantayan ng COMELEC ang mga account na babagsakan ng malaking pondo at ang paglilipat ng maliliit na halaga sa iba pang mga account ilang araw bago ang halalan.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bukod sa mga kompanya ng e-wallet, makikipag-ugnayan din ang poll body sa mga courier service na maaari ring magamit sa mga transaksyon sa eleksyon.
Facebook Comments