Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi makaaapekto sa kredibilidad ng resulta ng eleksyon ang ilang mga problema na kinaharap kahapon sa isinagawang halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, walang epekto ang mga aberyang nangyari sa resulta at kaya itong patunayan ng mga citizens arm at mga political parties na nagbantay sa buong proseso ng halalan.
Humingi naman ng paumanhin si Garcia sa mga problemang kinaharap ng iilan gaya ng hindi kaagad nakaboto ang marami.
Sa kabuuan ay nairaos naman ng maayos ang eleksyon at umaasa ang COMELEC na sa mga susunod na araw ay makapagpo- proklama na ng mga susunod na lider ng bansa.
Tiniyak naman ni Garcia na hindi niya hahayaan na mangyari ulit sa susunod na eleksyon ang mga nangyaring aberya ngayong halalan 2022.