COMELEC PANGASINAN, NAGBABALA SA MGA KANDIDATO NA NAGLIPANA ANG CAMPAIGN MATERIALS NA MALI ANG SUKAT AT WALA SA COMMON POSTING AREAS

Binalaan ng Commission on Election o COMELEC Pangasinan ang mga kandidato ukol sa naglipanang posters ng mga kandidato para sa halalan kung saan ang mga ito ay makikita sa iba’t ibang lugar at hindi nasunod ang tamang sukat.
Batay sa naging obserbasyon umano ng COMELEC ay dalawa ang kanilang nakikitang paglabag ng mga kandidato kaugnay sa mga posters at campaign materials sa iba’t ibang lugar.
Sinabi ni Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza na nangungunang nalalabag ng mga nagdidikit ng campaign materials ay wala ito sa common posting areas at oversized ito.

Nagsimula na rin umanong umikot ang election officers sa buong Pangasinan upang makita kung saan karaniwang inilalagay ang campaign materials ng mga kandidato.
Iginiit pa ni Oganiza na bago baklasin ang mga posters ay kanilang susulatan ang mga kandidato upang mabigyan sila ng pagkakataon upang magpaliwanag at tanggalin ang kanilang campaign materials. Kailangan umano nilang obserbahan ang 3-day notice rule bago sila magsagawa ng pagbabaklas.
Tuloy-tuloy ang pakikipag ugnayan ng COMELEC sa iba’t ibang ahensiya kaugnay sa pagsasagawa nila ng ‘Oplan Baklas’ at bumuo na rin sila ng isang committee upang tanggalin naman ang iligal na nakapaskil na campaign materials.
Patuloy namang ipinaalala ng COMELEC sa mga kandidato na bago magkabit ng camapaign posters ay mangyaring magtanong kung saan ang mga lugar na pwedeng maglagay at kung ano nga ba ang tamang sukat ng mga ito dahil maaaring maharap sa multa o pagkakakulong ang sinumang mahuhuling lalabag sa kautusan.
Samantala, kaugnay nito para sa pamunuan ng DENR na hindi parin pinahihintulutan ang pagkakabit ng mga campaign materials sa mga puno sa mga pampublikong lugar na kalimitang pinagpapaskilan ng mga ito ngunit ayon sa ahensiya ito ay paglabag sa umiiral na batas at maaaring hulihin ng mga law enforcement agencies kung makita ang sinumang nagkakabit dito. | ifmnews
Facebook Comments