Isang MTC Judge nalunod patay sa dagat sa Ilocos Sur

362
Patay ang isang MTC Judge sa Ilocos Sur matapos malunod ito sa dagat.
Nakilala ang nasabing huwes na si MTC Judge Geraldine Ramos Del Rosario, residente ng Paratong, Sinait Ilocos Sur.
Naligo daw ang nasabing judge sa dagat dahil malapit lang ito sa kanila at hilig daw niya ito. Ngunit ganun pa man, linamon ito ng malakas na alon.
Nagpahayag naman ng gale warning signal ang PAG-ASA kahapon at hindi pinayagan ang mga manlalayag at mga tao na pumunta sa baybayin ng Northern luzon.
Naitakbo ito sa ospital ngunit dineklara na itong patay ng isang doktor. | via Bernard Ver, RMN News
Facebook Comments