COMELEC PANGASINAN NAGBIGAY NG REAKSYON SA PAGKAKAPOSTPONED NG BARANGAY AT SK ELECTIONS

Nagbigay ng pahayag ang hanay ng COMELEC Pangasinan matapos maging ganap na batas ang pagkakapostpone ng Barangay at SK elections sa susunod na taon.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Provincial Election Supervisor Atty Marino Salas, wala naman aniya problema ang pagpapaliban ng election sa barangay ngayon taon dahil handa naman na sila kaugnay dito.
Pagtitiyak nito na hindi masasayang ang oras at pagod ng mga opisyales at kawani ng COMELEC dahil magaganap naman ang mga ito sa susunod na taon.

Bagamat aminado din si Atty. Salas na mas lalaki ang gastos sa susunod na election sa barangay.
Matatandaan na inanunsiyo ng malakanyang Miyerkules ng hapon na pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na pagpapaliban ng Barangay at SK elections na magaganap na sa oktubre sa susunod na taon. |ifmnews
Facebook Comments