COMELEC, patuloy na gumagawa ng paraan para buhayin ang higit 6 milyong deactivated voters

Patuloy na gumagawa ng paraan ang Commission on Elections (COMELEC) para buhayin ang nasa higit 6 na milyong deactivated voters o mga botanteng bigong makaboto ng dalawang beses.

Ayon sa Twitter ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sinabi nitong pinag-aaralan pa nila ang paggamit ng online para maibalik ang mga deactivated voters pati na rin ang paggamit ng iRehistro platform para sa muling pagba-validate sa mga botanteng ito.

Dagdag pa ni Guanzon, maituturing na record kung awtomatikong mare-reactivate ang 6.3 million voters.


Facebook Comments