COMELEC, patuloy na nakakapagtala ng mataas na turnout ng voter registration

Patuloy na nakakapagtala ang Commission on Elections (COMELEC) ng mataas na turnout ng nagpapatuloy na voter registration.

Sa ngayon, umaabot na sa 355,321 ang bilang ng mga bagong registrants kaugnay ng December 5 Barangay at SK elections.

Ang mga nagpatala naman na nasa edad na 15-17 ay nasa 215,822 habang ang mga registrants na nasa 18-30 ay 118,130 at ang mga nagpatala na nasa edad 31 pataas ay 21,369.


Ayon sa COMELEC, patuloy ring dumadagsa sa mga tanggapan ng poll body ang mga nagpapalit ng apelyido, tirahan, transfer ng reactivation at iba pa.

Sa ngayon, ang mga naproseso na ng Komisyon ay nasa 491,122.

Facebook Comments