Isang retired Air Force personnel, namaril sa Pasay City

195

Isang retiradong tauhan ng Philippine Air Force ang namaril sa P44-04 14th corner 15th Street, Barangay 183 Villamor, Pasay City.

Kinilala ang suspect na si Leandro Pedrosa, 59 taong gulang.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Pedrosa at ang mga biktima na sina Hazel Mejares, 47 taong gulang at Jovel Villegas, 47 taong gulang na nauwi sa pamamaril ng suspek.


Matapos niyang mabaril ang dalawang biktima ay nagbaril din sa sarili ang suspek.

Nakahandusay ang tatlo at wala nang buhay nang madatnan ng mga pulis.

Facebook Comments