COMELEC, tatanggap na ng voter’s registration ngayong araw

Mahigpit na ipatutupad ng Commission on Elections (COMELEC) ang safety health protocols ngayong unang araw ng pagpaparehistro bilang botante.

Hindi makakapasok ang mga walang face mask at face shield kung saan papayagan lang ito tanggalin kapag kukunan na ng litrato at biometrics data.

Bukod sa pagkuha ng temperature, dadaan din sa foot-bath ang lahat, kailangang mag-alcohol sa kamay bago at pagkatapos pumirma sa signature pad at finger-print scanner.


Lilimitahan din ang pagpasok ng sabay-sabay sa pasilidad ng COMELEC para masunod ang physical distancing at bawal tumambay sa loob kapag tapos na magparehistro.

Samanatala, payo rin ng COMELEC na mag-download muna ng application form mula sa COMELEC website at sagutan na ito ng manu-mano, at kailangang pirmahan ito sa harap ng election officer sa mismong tanggapan ng COMELEC.

Martes hanggang Sabado tumatanggap ng voter’s application ang COMELEC na nagsisimula ng alas-8:00 ng umaga.

Facebook Comments