COMELEC, tiniyak na tuloy ang special elections sa Shanghai, China sa kabila ng COVID lockdown doon

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga Pilipino sa Shanghai, China na makakaboto pa rin sila sa sandaling lumuwag na ang COVID-19 protocols doon.

Sa harap ito ng pinatutupad na lockdown ng Shanghai dahil sa COVID surge doon.

Ayon kay COMELEC acting Spokesman Atty. Rex Laudiangco, magtatakda sila ng petsa para sa pagdaraos ng overseas absentee voting sa Shanghai.


Sinabi pa ni Atty. Laudiangco na ang naudlot na halalan sa Shanghai ang naging dahilan kung bakit naantala ang pagpapadala ng transmission ng mga boto mula sa Hong Kong, Macau at Mainland China.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng COMELEC na tuloy ang proklamasyon ng mga nanalong senador sa susunod na linggo.

Facebook Comments