MANILA- Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) na pormal na maghain ng reklamo ang mga netizen at huwag makuntento sa pagpu-post ng mga larawan ng mga kandidato na lumalabag sa election laws.Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na maraming kandidato na ang lumabag sa election laws pero kung hindi sila kakasuhan ay mababalewala lamang ang mga posts na nagpapakita ng paglabag ng mga kandidato.Ayon kay Bautista, masigasig ang kanyang tanggapan sa pag-monitor sa social media kung saan nakatanggap sila ng napakaraming reklamo hinggil sa campaign violations.Samantala, sinabi ni Bautista na mas mainam, kung maghahain ng pormal na reklamo ang mga netizens, lalo na kung may matibay na ebidensya naman silang hawak.Aniya, sa pagmo-monitor ng Comelec, marami ang ibinabato ng social media users na violation reports partikular na ang mga nagpapadala gamit ang hashtag #SumbongKo.
Commission On Elections, Hinikayat Ang Mga Netizens Na Ireklamo Sa Kanila Ang Mga Kandidatong Lalabag Sa Campaign Rules
Facebook Comments