MANILA – Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga nambu-bully sa social media kasabay ng nalalapit na eleksyon.Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang hate speech, banta ng rape o injury at iba pang uri ng pambubully online ay pwedeng maging basehan ng pagsasampa ng kaso.Ang babala ni Guanzon ay kasabay ng tumataas na kaso ng online bullying dahil sa mga isyu sa eleksyon.Tiniyak niya na sakaling gumagamit ng totoong pangalan ang violator ay maaari itong hanapin ng Comelec sa listahan ng mga rehistradong botante.Sa interview ng RMN kay University of the Philippines (UP) Associate Professor of Journalism Danilo Arao, nagpaalala ito sa mga netizen na maging maingat sa paggamit ng social media para maiwasan ang cyber bullying.Kaugnay nito, nagsampa ng kaso ang enviromentalist at online blogger na si Renee Karunungan matapos itong makatanggap ng sunod-sunod na banta dahil sa kanyang isang twitter post laban kay Duterte.Maraming supporters ni Duterte ang nagbanta kay karunungan sa social media kung saan sinabi ng mga ito na sana ma-rape ang dalaga at ma-masaker ang kanyang pamilya.Naniniwala si Karunungan na lumabag ang dalawampung kinasuhan niya sa umiiral naRevised Penal Code, Cybercrime Law at Omnibus Election Code.
Commission On Elections, Nagbabala Sa Tumitinding Cyber Bullying Habang Papalapit Ang Eleksyon
Facebook Comments