Commission on Human Rights Region 2, Saksi sa Pagsuko ng Menor de Edad na Dating NPA

*Cauayan City, Isabela*- Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR-RO2) na hindi nararapat ang ginawang paghikayat ng mga rebeldeng grupo sa mga menor de edad.

Kasabay ito ng ginawang pagsaksi ng nasabing ahensya sa tatlong katao kabilang ang isang 16 anyos na menor de edad.

Ayon kay Ginang Perlita A. Agana, Chief Investigator ng CHR-RO2, sinabi niya na makaraang dumulog sa kanilang tanggapan ang ilang kaanak ng mga sumukong NPA para makita kung ano sitwasyon ng mga ito matapos sumuko sa mga kasundaluhan ng mahikayat ng mga rebeldeng grupo.


Sinabi pa ni Ginang Agana na batay sa naging salaysay ng mga kaanak ng mga sumukong NPA ay hindi umano sila pinayagan ng kasundaluhan na makapasok sa loob ng kampo ng 5th ID Infantry Division kung kaya’t doble ang kanilang pag aalala.

Patunay lamang aniya na maging ang mga menor de edad ay nahihikayat sa gawain ng makakaliwang grupo para mag-aklas sa pamahalaan.

Tiniyak naman ng tanggapan ng Human Rights na magiging patas sila sa ilalahad na imbestigasyon sa nangyaring pagsuko ng tatlong katao.

Facebook Comments