Cauayan City, Isabela- Nakatakdang darating sa Nov.19, 2019 ang mga miyembro ng kamara sa Lalawigan ng Isabela upang magsagawa ng public hearing para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Isabela 1st Dist. Cong. Antonio “TonyPet” Albano, Vice Chairman ng Committee on Constitutional Reforms ng Kamara, napili nila ang Isabela na pagdausan ng public hearing para sa pag-amyenda ng Saligang Batas na dadaluhan ng mga Gobernador, mga kongresista at mga alkalde.
Pabor ang ilang kongresista pero kailangan umanong dumaan sa public hearing sa mga lokal opisyal na kailangan nang maamyendahan ang Saligang batas dahil mayroon lamang itong 30 araw na palugit.
Kasabay din nito, ang pagsulong sa karagdagang taon sa panunungkulan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan para magkaroon umano ng substantial political, infrastructure, economic at social gains ang pamahalaan matapos maamyendahan itong nasabing batas.