Committee proceedings, planong irepaso ng Senado

Irerepaso ni Senate President Chiz Escudero ang proceedings sa mga isinasagawang committee hearings ng Senado.

Bunsod na rin ito ng pag-contempt ng Senate Committee on Foreign Relations sa isa sa mga resource person nito na ayon kay Escudero ay hindi nasunod ang requisite requirement at hindi nabigyan ng due process.

Sinabi ni Escudero na i-re-review niya ang committee proceedings at gagawin ang kaniyang tungkulin at discretion alinsunod sa batas.

Ito ay para madetermina at maiwasan na magamit sa political agenda o motivation ang mga pagdinig at masigurong palaging isasa-alang-alang ang best interest ng mamamayan, ng bansa at ng Senado bilang institusyon.

Binigyang-diin pa ni Escudero na hindi niya papayagan ang senado at maging ang opisina ng Senate president na magamit sa partisan interests lalo na ng mga senador na re-electionist ngayong midterm elections.

Facebook Comments