Committee report sa Impeachment Complaint vs. Duterte, inaprubahan na ng House Committee on Justice

145

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House Justice Committee ang committee report kaugnay sa pagbasura ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Mabilis lamang na inaprubahan ng komite ang committee report na inabot lamang ng 20 minuto.


Unanimous ang naging botohan dito ng komite na tuluyang nagpapabasura sa impeachment complaint.

Ayon naman kay justice comm chair reynaldo umali, dahil naibasura na ang reklamo, ito na ang simula ng one year bar rule na nagbabawal ng paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa pangulo sa loob ng isang taon.

Ang committee report na ito ay iaakyat pa sa plenaryo kung saan aaprubahan ang dismissal ng impeachment complaint.

Maaaring namang may humirit pa na baligtarin ang desisyon ng komite pero imposible na ito dahil ang super majority ng Kamara ay kakampi ng pangulo.




DZXL558, Conde Batac














Facebook Comments