“Communal Garden” ng Brgy Labinab, Cauayan City, Kabilang sa Top Most Improved sa Lungsod!

*Cauayan City, Isabela- *Malaki ang pasasalamat ni SK Chairman Jayson Purificacion ng Brgy. Labinab na mapabilang sa Top Most Improved sa Lungsod ng Cauayan ang kanyang pinamumunuang barangay pagdating sa Communal Garden.

Bukod sa nakuhang parangal ay kabilang din ang Brgy Labinab sa Top 10 na pinakamagandang barangay sa Lungsod.

Pasok din sa Top 15 finalist ang Brgy Labinab at nakatakdang maianunsyo mamayang gabi ang Top 3 Outstanding SK Councils sa gaganaping “Gabi ng Kabataang Cauayeño”.


Ayon kay SK Chairman Purificacion, mayroon anyang mga naka-schedule na mga brgy officials upang magmintina sa kalinisan at kagandahan ng kanilang barangay.

Malaking karangalan at achievement na anya sa kanyang nasasakupan ang kanilang mga natatanggap na parangal kaya’t nagpapasalamat ito sa mga residente dahil sa kanilang dedikasyon at pagtulong sa mga aktibidad na isinasagawa ng Brgy Labinab.

Facebook Comments