Communist Party of the Philippines, wala na ring balak magdeklara ng unilateral ceasefire; Government Peace Panel, aminadong pahirapan ang magiging negosasyon sa pag-usad ng ika-apat ng rounds ng peace talks

Manila, Philippines – Hindi na rin muna magdedeklara ang Communist Party of
the Philippines (CPP) ng unilateral ceasefire.

Ayon kay National Democratic Front of the Philippines Chairman Fidel
Agcaoili, hihintayin na lang muna nila na magkasundo sila sa bubuuing
bilateral ceasefire agreement.

Una nang sinabi ni Government Chief Negotiator Sivestre Bello III, na hindi
magdedeklara ang pamahalaan ng unilateral ceasefire tulad ng unang balak ng
NDFP.


Bagaman, aminado ang government peace panel na pahirapan ang magiging
negosasyon sa muling pag-usad ng peace talks, positibo silang mapagtitibay
na ang inaasam na bilateral ceasefire agreement.

Simula bukas, April 2 hanggang 6 muling gugulong ang fourth round ng peace
talks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo sa The Netherlands.

Facebook Comments