Tuesday, February 24, 2026

COMMUNITY FEEDING PROGRAM, INILAPIT SA BRGY. ABANON, SAN CARLOS CITY

Inilapit sa Barangay Abanon sa San Carlos City ang Community Feeding Program sa pamamagitan ng pagbisita ng Meals on Wheels Truck bilang bahagi ng patuloy na serbisyong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.

Sa aktibidad, namahagi ng mainit at masustansyang pagkain sa mga benepisyaryo, kasabay ng pagbibigay ng paalala hinggil sa kahalagahan ng wastong nutrisyon upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na matiyak na ang bawat pamilya, lalo na ang mga nangangailangan, ay may sapat na kaalaman at suporta pagdating sa tamang nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng mga kahalintulad na inisyatiba upang mas mapalapit ang serbisyong panlipunan sa mga komunidad sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments