Commuters sa transport groups: "Let’s meet halfway”

Manila, Philippines – Nilinaw ng National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) na naiintindihan nila ang hirap ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan lalo’t sunod sunod ang nangyaring pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Gayunpman, ayon kay Elvira Medina, Presidente ng NCCSP, intindihin rin sana ng transport group na mabigat ang dalawang pisong dagdag pasahe para sa mga commuter.

Mungkahi ngayon ni Medina, ipako na muna sa piso ang dagdag pasahe sa kasalukuyan at saka na lamang magkaroong ng karagdagan pang piso, kapag naipatupad na ang modernisasyon sa mga jeep.

Sa ganitong paraan aniya, makababawi ang mga driver sa naging sunod – sunod na pagtaas ng preso ng produktong petrolyo, nang hindi nabibigla ang mga commuters.


Facebook Comments