Competence at honesty, hanap ng Pangulo sa bagong PNP Chief

Binigyang-diin ng Malakañang na competence at honesty ang pangunahing magiging batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng magiging susunod na Hepe ng Philippine National Police.

Kasabay ito ng nalalapit na pagreretiro ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa darating na Nobyembre.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, laging ito ang batayan ng Chief Executive sa pagtatalaga sa alinmang posisyon sa pamahalaan.


Paliwanag ni Panelo, ang isang matapat na opisyal ay walang kaso o hindi nasasangkot sa anumang iregularidad.

Samantalang ang competent naman ay may kakayahang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang lider ng PNP.

Mababatid na apat ang lumutang na pangalan ng mga police official na posibleng humalili kay Albyalde.

Kabilang dito sina PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Archie Gamboa, PNP Chief Directorial Staff Lt. Gen. Camilo Cascolan, NCRPO Chief Major Gen. Guillermo Eleazar, at Manila Police District Chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Facebook Comments