Complete background investigation sa mga VIP na nagrerequest ng police protection, ipatutupad na ng PNP

Manila, Philippines – Magsasagawa na ng Complete background investigation ang Police Security Protection Group o PSPG, sa mga VIPs na nagrerequest ng police protection.

Ito ay ayon kay PNP PSPG chief Chief Supt Joel Crisostomo De Leon Garcia, makaraang aminin nilang hindi nagsagawa ang PNP ng thorough background investigation kay Diana Uy, noong unang pagkakataong humiling ito ng protective security personnel sa PSPG.

Si Diana Uy ay ang negosyanteng nahulian ng 10M pisong halaga ng shabu kamakalawa.


Una nang ipinaliwanag ni Garcia na tanging threat assesment Lang ginawa ng Directorate for intelligence at Hindi kumpletong background investigation kay Uy, kaya Hindi nila nalaman na anak pala ito ng convicted drug queen na si Yu yuk lai.

Aniya, Hindi naman kasi policy ng PNP na magsagawa ng kumpletong background check sa mga VIPS, lalu na kung Wala namang criminal record ang mga ito.

Pero aniya dahil sa nangyari sa kaso ni Diana Uy, kahit hindi pa policy ang imbestigahan ang personal na buhay ng mga VIP na nagrerequest ng police protection, sila na mismo ang gagawa ng inisyatibo na magsagawa ng complete background check.

Facebook Comments