Sa September 12, magsisimula nang manghuli ang Muntinlupa City Government ng mga lalabag sa Comprehensive Smoke Free Ordinance ng lungsod.
Sa ilalim ng city ordinance no. 17-072, bumuo ang lungsod ng Smoke Free Task Force na manghuhuli sa mga smokers sa isasagawa nilang Oplan Sita.
Mula September 12 hanggang October 12, ang mga mahuhuli ay hindi muna pagmumultahin sa halip ay bibigyan lang ng warning .
Pero pagtungtong ng October 13, dito na magpapataw ng P2,500 na multa at walong oras na community service sa mga mahuhuling naninigarilyo sa public places.
Habang P8,000 na multa at 14 oras na community service naman ang ipapataw sa mga tindahang nag-a-advertise ng sigarilyo at nagbebenta sa mga minor.
Facebook Comments