Sunog, sumiklab sa Tandang Sora at Commonwealth sa Quezon City

Quezon City – Umabot sa ikatlong alarma ang naganap na sunog kaninang madaling araw sa kanto ng Tandang Sora at Commonwealth sa Quezon City.

Dakong alas-4:30 nang ideklarang fire under control ang sunog na sumiklab sa isang residential commercial area kung saan na-trap ang tatlong tao.

Kinilala ang mga ito na sina Jonard Oditor, Arnel Tomas Atyeng, at Angelito Toraldo na pawang empleyado ng ukay-ukay na napasama sa nasusunog na gusali.


Maswerte naman silang naisalba at agad na naisugod sa ospital.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments