WALANG PERSONALAN | Speaker Alvarez, may mensahe kay SP Koko Pimentel

Manila, Philipines – Nilinaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez na trabaho lang at wala siyang personal na isyu kay Senate President Koko Pimentel.

Ito ay matapos na tawagin ni Alvarez na mabagal na kapulungan ang Senado dahil sa pagiging makupad sa pagpapasa ng mga priority bills ng administrasyon.

Paliwanag ni Alvarez, hindi nila minadali ang pagpapasa sa mga panukala.


Aniya, nag-o-overtime silang mga mambabatas para aralin ding mabuti ang mga panukala na dapat iprayoridad at hindi nila ipinagpapabukas ang gagawing trabaho.

Dahilan kaya aniya natatapos nila agad ang anumang trabaho.

Hirit pa ni Alvarez kay Pimentel, inaalikabok na ang Death Penalty Bill at ang ibang panukala na nakabinbin sa Senado.

Wala aniyang mangyayari kung aabutin pa hanggang sa matapos ang termino ang pag-aaral sa mga panukala.

Facebook Comments