Manila, Philippines – Itinanggi ng pamilya Marcos na sila ang may pakana sa umano’y compromised agreement sa pagitan ng gobyerno at ng mga Marcos na inilalabas ng abugadong si Atty. Oliver Lozano.
Sa interview ng RMN kay Atty. Vic Rodriguez, abugado ng mga Marcos – ikinagulat ni dating Senador Bongbong Marcos na mayroon compromised deal ng hindi nila nalalaman.
Paglilinaw ni Rodriguez – wala nang koneksyon o otoridad sa pamilya Marcos si Atty. Lozano at sarili niyang desisyon ang nasabing proposal.
Una na ring itinanggi sa interview ng RMN ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang alegasyon na nagkaroon na ng kompromiso sa pagitan ng gobyerno at pamilya ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Laman umano ng compromised agreement ay ang pagpapamigay ng pamilya Marcos ng kanilang yaman sa mahihirap kapalit ng lifting ng sequestration order sa lahat ng ari-arian nila.