Pinaburan ni House Assistant Majority Leader Eduardo Gullas, ang panukala ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sumailalim sa compulsory military service ang lahat ng mga kabataan pagsapit ng 18-taong gulang.
Para sa kongresista, mainam ang military service para sa nation-building, depensa ng bansa at paghubog sa mga kabataan na maging makabayan.
Makapagbibigay din aniya ito ng bagong skills sa mga kabataan na kanilang magagamit sa mga hamon ng buhay.
Ang mambabatas din ang may-akda ng House Bill 1788 na naglalayong ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa lahat ng private at public higher education institutions.
Pero dagdag ng kongresista, ang proposal ni Mayor Sara ay mas maganda kumpara sa kanyang panukala.
Facebook Comments