Kinalampag nina Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe at Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sa sobrang taas na singil nito.
Giit ni Poe, hindi muna dapat umasa ng bayad mula sa mga consumers ang Meralco hangga’t hindi nito naitatama ang napakataas na computation sa electricity bill.
Nais ding matiyak ni Poe sa Meralco na hindi basta-basta puputulan ng kuryente ang mga hindi agad makabayad dahil naiipit sa kanilang mga tahanan sa gitna ng patuloy na lockdown.
Sabi naman ni Senator Gatchalian, kanila ng inabisuhan ang Energy Regulatory Commission (ERC) na i-compute ng mabuti ang electricity bills.
Maging si Gatchalian ay nagulat sa sobrang itinaas ng kanyang bayarin sa kuryente.
Giit ni Gatchalian sa Meralco, siguraduhin na tama ang paniningil at tiyakin na umaayon ito sa circular na inilabas ng ERC habang maraming tao ang hirap at hindi pa nakakapagtrabaho.
Kinalampag nina Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe at Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sobrang taas na singil nito.