KINASUHAN | R&B singer na si R Kelly, muling nahaharap sa kaso

Muling nahaharap sa kaso ang R&B singer na si R Kelly matapos ireklamo ng 19-anyos na kinakasama nito

Ayon kay Faith Rogers, sa loob ng isang taon nilang relasyon siya ay inabuso mentally, physically at verbally ng singer kung saan hinawaan pa siya nito ng Sexually Transmitted Disease (STD).

Naganap ang insidente noong May 2017 ng imbitahan siyang manood ng concert nito sa New York at nang matapos ay pinuntahan siya sa hotel.


Pinilit siya ng singer na makipagtalik kung saan binantaan pa siya kapag hindi ito pumayag.

Pinabulaan naman ni R Kelly ang nasabing mga alegasyon saka sinabing namemera lamang si Rogers.

Dahil dito, tinanggal na sa music streaming service na Spotify ang mga kanta ng singer tulad ng “I Believe I Can Fly” dahil sa mga kasong kinakaharap nito.

Facebook Comments