CONCERT | Katy Perry, balik-Pinas

Manila, Philippines – Sa April 2, 2018 magbabalik-Pinas ang American singer-songwriter na si Katy Perry para sa kanyang Witness: The Tour na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Ang Manila concert ni Katy ay bahagi ng kanyang eight pit stop sa Asian leg na magsisimula sa Tokyo, Japan sa Marso 27.

Sunod siyang magtatanghal sa Hongkong, Taiwan, Singapore, Thailand at magtatapos sa Jakarta, Indonesia sa April 14.


Sa December 11 na mabibili ang ticket para sa Manila concert ng American singer.

Kabilang sa mga sikat na kanta ni Katy Perry ay ang Last Friday Night, Teenage Dream, The One That Got Away, Part of Me, I Kissed a Girl, Firework at Roar.

Facebook Comments