Concert ni Ariana Grande sa bansa, tuloy sa Agosto

Manila, Philippines – Matapos masuspinde ang kaniyang European Tour, kumpirmadong tuloy ang “Dangerous Woman” concert ni Ariana Grande sa Mall of Asia Arena sa buwan ng Agosto.

Nakikipag-ugnayan din ang mga organizers ng nasabing concert sa Philippine National Police (PNP) para sa seguridad ng concert at ng mga manonood.

Matatandaang nagkaroon ng suicide bombing sa concert ni Ariana sa Manchester noong May 22 kung saan 22 ang nasawi at 59 naman ang sugatan.


Dito sa Pilipinas, ang mga ticket sa Dangerous Woman Concert ay nagkakahalaga ng P1,650 sa general audience, P4,190 sa lower box, P8,430 sa upper box, P11,610 sa VIP B, P15,890 sa VIP A at P19,070 naman sa SVIP.
DZXL558

Facebook Comments