Palalawigin ng gobyerno ng isang taon ang ang conditional cash transfer na ipinagkakaloob sa mga maliliit na magsasaka na apektado ang kabuhayan dahil sa bagsak na presyo ng palay.
Ito ang ipinahayag ni Agriculture Secretary William Dar kasunod ng pagpupulong niya kay President Rodrigo Duterte kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Napag usapan sa pulong ang pananatili ng rice importation.
Ayon pa kay Dar, titiyakin nila na maayos na maipapatupad ang rice tarrification law upang masiguro na may mura at kalidad na bigas ang lahat ng mamamayang Pilipino.
Nasa P3 billion ang inaprubahan ng administrasyong Duterte bilang unconditional cash transfer na pakikinabangan ng 600,000 maliit na magsasaka ng palay.
Inatasan din ni Pangulong Duterte ang National Food Authority na dagdagan ang emergency buffer stock mula sa 15 araw hanggang 30 araw sa pamamagitan ng pagbili ng mas maraming palay sa mga magsasaka.