Kamara nagbago ang isip, Vape o e-cigarette, bubuwisan ulit

64

 

Binawi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang pahayag niya kahapon na hindi na bubuwisan ang vape o e-cigarettes.

 

Iginiit ni Salceda na papatawan na nila ng buwis ang vape at heated tobacco products matapos na linawin ni Pangulong Duterte na ang total ban dito ay pagbabawal lamang ng paggamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.


 

Ayon kay Salceda, mas mataas na buwis na ang kanilang planong ipataw sa vape at e-cigarettes mula sa kasalukuyang itinatakda ng Republic Act No. 11346.

 

Pag-aaralan aniya ng komite na amyendahan ang House Bill 1026 sa pagsalang sa Bicameral Conference Committee para maitaas pa ang buwis sa vape mula sa kasalukuyang bersyon na P25 kada ml at gawing P45/ml.

 

Katwiran ng kongresista, karamihan naman sa 1 million katao na gumagamit ng vape sa bansa ay napapabilang sa upper middle at high income class, habang 7 million naman sa 23 million na naninigarilyo ang napapabilang sa lowest 50%.

 

Matatandaang kahapon ay inanunsyo na tatanggalin na sana ang vape at e-cigarettes sa mga bubuwisan dahil sa inakalang total ban at pinauubaya na lamang sana sa Department of Health ang hakbang para ipagbawal ito.

Facebook Comments

From Advertisers