Condo type na relocation sa mga urban poor sa Gensan planong itayo

General Santos City—Pinaboran ni Gensan City Vice mayor Sherlyn Bañas Nograles ang Suhestyon ng mga eksperto sa Urban Planning hinggil sa relocation project dito sa Gensan.

Imbis na lupa at bahay ang ibibigay ng gobyerno ng lunsod sa mga mahihirap na pamilya na dapat e-relocate, magtatayo nalang ang LGU ng Condo type na building para sa kanila.

Ang titira sa nasabing bahay ay magbabayad ng maintenance fee bawat buwan pero hindi mapapasakanila ang naturang bahay sa halip papayagan silang manirahan dito hanggat kailan nila gusto.


Ayon kay Vice mayor Nograles na dapat magkaroon plano ang LGU Gensan para mas mapadali ang pagbigay ng relocation sa Urban poor dahil kung bibili pa ng lupa ang LGU para sa kanila, mas malaking pundo ang kakailanganin at matatagalan pa ang proseso dahil maghahanap pa ng mas malawak na lupa na bibilhin ang gobyerno.

Samantala nakatakda namang i-submit ng Sanguniang Panlungsod ang nasabing plano sa tanggapan ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera para sa pag-aproba sa nasabing proyekto.

Facebook Comments