Iginiit ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas na ilipat sa Special Education o SPED program ang ilang “confidential at intelligence funds” ng Office of the President, Office of the Vice President at iba pang ahensya na nakapaloob sa 2023 national budget.
Solusyon ito ni Brosas sa kawalan ng pondong nakalaan sa SPED program sa susunod na taon na maituturing aniyang kawalang-katarungan para sa mahigit 5.1 milyong mga batang Pilipino na may special needs.
Tinukoy ni Brosas na maaring paghugutan ng pondo para sa SPED program ang kabuuang ₱4.5 billion na confidential at intelligence fund ng Office of the President.
Binanggit din ni Brosas ang ₱500 million na confidential funds para sa Office of the Vice President at ₱150 million na confidential funds para sa Department of Education (DepEd).