CONFIRMATION | Promosyon ng senior officers at reserve officers ng AFP, at COA commissioner, kinumpirma ng Commission on Appointments

52

Manila, Philippines – Pinagtibay ngayon ng Commission on Appointments o CA ang ad interim appointments at promosyon ng 19 senior officers ng Armed Forces of the Philippines o AFP, kasama ang bagong talagang flag officer in command ng Philippine Navy na si Rear Adm. Robert Empedrad. Lusot na rin sa CA ang promosyon ng ilang AFP reserve officer kabilang sina Presidential Adviser For Political Affairs Francis Tolentino na may rangong brigadier general. At sina Davao Oriental Rep. Joey Mayo Almario sa rangong colonel ng Philippine Air Force at quezon City Mayor Herbert Bautista sa ranggong brigadier general sa Philippine Army. Maliban dito ay kinumpirma din ng CA ang appointment ni Roland Cafe Pondoc bilang commissioner ng Commission on Audit o COA na may termino hanggang February 02, 2025. Nang dahil naman sa ilang pagkwestyon sa kredibilidad at kwalipikasyon ni John Rualo Castriciones, ay ipinagpaliban pa ng CA ang pagkumpirma sa kanyang ad interim appointment bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform. Si Castriciones ang itinalaga ng Pangulong Duterte kapalit ni dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Facebook Comments