‘Connectivity allowance’ para sa mga guro at estudyante, isinusulong ng DepEd sa susunod na taon

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang paglalabas ng connectivity allowance para sa public school teachers at senior high school (SHS) students sa susunod na taon.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, humiling sila sa Department of Budget and Management (DBM) ang ₱4 billion para sa pagpapatupad ng Digital, Education, Information Technology, and Digital Infrastructure and Alternative Learning Modules, sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Sinabi ng kalihim na kinikilala nila ang kahalagahan ng load allowance para sa mga mag-aaral at guro para maihatid ang dekalidad na edukasyon sa harap ng pandemya.


Sakop nito ang connectivity load para sa 3.2 million SHS students at nasa 900,000 teachers sa buong bansa.

Kapang naaprubahan, ang mga guro ay makakatanggap ng ₱450 load allowance habang ₱250 naman sa mga SHS students kada buwan, na nagkakahalaga ng kabuoang ₱3.6 billion.

Facebook Comments