Walo sa bawat 10 Pilipino, umaasang magkakaroon na ng COVID-19 vaccine sa susunod na taon – SWS survey

81

Kumpiyansa ang walo sa bawat 10 Pilipino ang umaasang magkakaroon na ng bakuna at gamot para sa COVID-19 sa susunod na taon.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), tinanong ang mga respondents kung naniniwala silang magkakaroon na ng COVID-19 vaccine sa susunod na 12 buwan.


Nasa 80% ng mga respondents ang nagsabing magkakaroon na ng bakuna, habang 17% ang naniniwalang hindi pa ito mangyayari.

Bukod dito, 80% din ang positibong magkakaroon na ng gamot para sa COVID sa susunod na 12 buwan habang 17% ang nagsabing hindi.

Mataas ang naitalang expectations sa Metro Manila (85%) kasunod ang Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20 sa 1,249 adult Filipinos.




Facebook Comments