Handa ang oposisyon sa mababang kapulungan ng Kongreso na kwestiyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng Anti-Terrorism Bill.
Kasunod ito ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na may inklinasyong pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na agad silang maghahain ng petisyon sa Supreme Court oras na maging ganap na batas ang Anti-Terror Bill.
Giit niya, maraming civil liberties at fundamental freedom ang sinagasaan ng panukala.
Matatandaang sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Duterte ang Anti-Terror Bill.
Facebook Comments