Thursday, February 26, 2026

CONSTRUCTION WORKER NA WANTED SA PATONG-PATONG NA KASO NG RAPE, TIKLO SA DAGUPAN CITY

Isang construction worker na wanted sa patong-patong na kaso ng rape ang naaresto sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Dagupan City, umaga ng Pebrero 25, 2026.

Bandang alas nuebe ng umaga nang masakote ng mga tauhan ng Dagupan City Police Office ang suspek na kinilalang Regional Top 4 Most Wanted Person.

Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 4 katuwang ang City Investigation and Detection Management Unit, Target Intelligence Packet ng CIT Dagupan, at Regional Intelligence Unit 1.

Ang akusado, residente ng Barangay Lucao, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noon pang Abril 10, 2025.

Nahaharap siya sa walong kaso kabilang ang Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa, dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 7610, at limang bilang ng Rape by Sexual Assault kaugnay rin ng nasabing batas.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Dagupan City Police Office para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.

Facebook Comments