CONSTRUCTION WORKER, NAKURYENTE-PATAY

Cauayan City – Patay ang isang Construction Worker matapos nitong makuryente sa Aparri, Cagayan.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang “Franco”, 47-anyos, residente ng Brgy. Paruddun Norte.

Ayon sa ulat, bumaba umano ang biktima at ang dalawa pang kasamahan nito mula sa bubong ng ginagawang Paruddun Norte Elementary School upang sana ay mag meryenda.


Habang bumababa, aksidenteng natapakan umano ng biktima ang isang metal scaffolding na nakasabit sa open wire, kung saan dahil sa pagdaloy ng kuryente ay dumikit ito sa bakal at hindi agad nakaalis.

Tinanggal naman agad ng mga kasamahan nito ang saksakan ng wire sa outlet upang matigil ang pagdaloy ng kuryente.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit sa kasamaang palad ay ideneklara itong dead on arrival.

Facebook Comments