Construction Worker Patay matapos magulungan ng truck na may kargang backhoe

General Santos City—Patay ang isang 60 year old na construction worker matapos itong magulungan ng truck na may kargang backhoe sa National Highway Sa Brgy. Labangal, GenSan alas 9:30 noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Oscar Barangay, 60, residenti ng Purok Olarte, Barangay Labangal Gensan.

Sa initial investigation ng Traffic Management Office ng Gensan City Police Office napag-alaman na galing sa kanyang trabaho ang biktima sa kino-construct na bagong Hospital malapit sa pinangyarian ng krimen.


Pauwi sana ito sa kanilang bahay sakay sa kanyang beseklita nang bigla itong nagulungan ng Ten Wheeler truck na may kargang backhoe na minamaneho ng isang Jhon Enoc, Legal age na taga Gensan.

Ayon sa mga nakakita galing sa sentro ng Gensan City papunta sa direksyon ng Crossing Makar Ten Wheeler truck pero hulinto ito sa gilid ng daan dahil gumalaw umano ang backhoe na karga nito, nang umatras ang truck duon na nabangga ng likurang bahagi ng sasakyan ang biktima hanggang itoy magulungan.

Natumba naman ang truck at nahulog ang backhoe na karga nito. sa ngayon nasa kustudiya na ng Traffic Management Unit ang driver ng Ten Wheeler Truck at sa araw ng Lunes sasampahan na ito ng Kasong recless Imprudence resulting to Homicide.

Facebook Comments