Consultancy firm na hindi lisensyado, pinasara ng DMW maritime jobs

Pinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang consultancy firm na nangangako ng mga trabaho sa Overseas Filipino Workers (OFW) kahit hindi naman lisensyado.

Sa tulong ng Philippine National Police (PNP), ipinasara ng DMW ang Double D Training Consultancy Services (DDTC) sa Maynila.

Ayon sa DMW, hindi lisensyado ang DDTC kaya wala itong karapatan na mag-recruit at magrefer sa foreign employers ng Filipino seafarers.


Lumalabas din sa surveillance operations ng DMW na ang DDTC ay naniningil ng Php80,000 processing fee kada applicant para sa sea-based positions, tulad ng able-bodied seaman, oiler, at engineer.

Umapela naman ang DMW sa mga naging biktima ng DDTC na makipag-ugnayan sa kanila.

Facebook Comments