CONSUMER WATCH | Ilang lugar sa Parañaque City, Cabuyao City at Cavite, makakaranas ng pansamantalang power interruption

Pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa ParaƱaque City, Cabuyao City sa Laguna at Trece Martirez City sa Cavite.

Ala-1:00 kaninang madaling araw hanggang alas-6:00 ng umaga, walang kuryente ngayon sa ilang bahagi ng Barangay San Dionisio sa ParaƱaque City dahil sa replacement ng badly leaning poles sa may Old Sucat Road.

Alas-9:00 ng umaga mamaya hanggang alas-12:00 ng tanghali, brownout sa ilang bahagi ng Barangay Banay-Banay sa Cabuyao City, Laguna dahil sa replacement of ageing pole sa Katapatan Subdivision.


Alas-9:30 ng umaga hanggang alas-2:30 ng hapon, may power interruption sa Barangay Inocencio, Trece Martirez sa Cavite City dahil sa replacement of facilities sa Sampaguita Village at St. Joseph Village.

Facebook Comments