Consumers group,umapela sa ERC na magpakita ng malasakit sa ilalabas na desisyon sa ‘dirty coal contracts’ ng Meralco

Sa harap ng nalalapit na paglalabas sa resulta ng aplikasyon na anim na bagong ‘power contracts’ ng Meralco,hinikayat ng clean energy at mga consumers groups ang Energy Regulatory Commission (ERC) na magpakita ng malasakit sa publiko sa pamamagitan ng hindi pagpayag sa ‘dirty coal contracts’.

Ayon kay Gerry Arances, convener ng Power for People Coalition (P4P), ang malaking bahagi ng    pending Power Supply Agreements ng Meralco ay nagmumula sa ‘coal’ o karbon.

Umaasa aniya ang mga naninirahan sa paligid ng ‘coal-fired facility’ na hindi nito papaboran ang kontrata ng enerhiya na gumagamit ng karbon na nakalalason sa mga residente.


Umaasa sila na magiging makatao at may pagmamahal ang ilalabas na desisyon ng ERC.

Giit ni Gerry Arances, convener ng P4P, ang 530 megawatts (MW) na kontrata ng total 1,700 MW na kapasidad ay nagmula sa South Luzon Thermal Energy Corporation’s, 270 MW coal facility at San Miguel Energy Corporation’s 1,200 MW coal plant sa Sual.

Facebook Comments