Contactless payments sa anumang transaksyon sa negosyo, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Divisoria

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagkakaroon ng contactless payments sa anumang transaksyon sa negosyo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa PayMaya App.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, aabot sa 90 bagong cashless stalls ang kanilang itinayo malapit sa Manila City Hall at sa Divisoria.

Layon ng programang ito hindi lamang para mapaunlad ang pagpapatakbo ng negosyo sa bansa, kundi upang matulungang muling makabangon ang ekonomiya ng bansa bunsod ng epekto ng COVID-19.


Facebook Comments